Sa pang araw-araw na takbo ng buhay maraming pangako ang nabibitawan. Mga pangakong tila pangkaraniwan na lamang. Madalas binabanggit ang salitang pangako o "promise" nang hindi naman talaga pinag-iisipan kung gaano kahalaga ang kahulugan nito. Kamakailan lang, marami-rami na rin akong pangakong narinig, mula sa kaibigan, kakilala, katrabaho at kung kani-kanino pang bibig. Mga simpleng bagay na ikino-commit ng wala naman talagang pinanghahawakan kung hindi ang mga salita na mga taong nagbabanggit nito. Madaling mangako, sa panahon ngayon kahit sino kaya magngako pero hindi lahat kayang tumupad sa ipinangako. Minsan nawawalan na nga nang saysay ang salitang pangako. Tila pangkaraniwan na lang ang ganitong linya. Hindi na gaanong pinahahalagahan nang iba ang mga binibitawang salita. Laging may rason ang bawat isa sa atin kapag hindi natutupad ang pangakong binibitawan. Gaano nga ba kahalaga ang pangako? May saysay pa ba talaga ito? Bakit kinakailangan pang dumaan sa ganitong proseso? Maaari namang isakatuparan na lang ang isang bagay na hindi dumadaan dito. Nang sa ganon hindi na kailangang umasa sa pangako na iba.
No comments:
Post a Comment