Showing posts with label opinion. Show all posts
Showing posts with label opinion. Show all posts

Saturday, October 4, 2008

Masaya ka ba?

Masaya ka ba? Nasubukan mo na bang itanong yan sa isang tao? Anong sagot ang nakuha mo? Malamang na ang ganitong tanong ay nababanggit lang natin sa mga taong malalapit at importante sa atin. Subukan mo kayang itanong ito sa hindi malapit sa iyo. Baka magulat ka sa isasagot nila. Malamang pandilatan ka ng mata at kwestuyin sa iyong tanong, o kya naman ma amaze ka dahil sa isang tanong ay baka bigla mong makilala at malaman ang buong pagkatao ng iyong kausap.

Mahirap sukatin ang kasiyahan ng isang tao. Maraming aspeto sa buhay ang kaakibat nito. Walang konkretong kaligayahan sa buhay, kahit pa sabihin pa nating umaayon ang lahat sa iyong kagustuhan. Ang kaligayahan daw kasi hindi basta-basta masusukat. May mga sandaling masasabi ng isang tao na siya na ang pinakamasayang nilalang sa mundo, ngunit may hangganan ang mga ganitong pagkakataon. Hindi sa lahat ng panahon maganda ang takbo ng kapalaran.

Nasaan ba talaga ang kaligayahan? Nasa dami ba ng pera na meroon ka? sa kasikatan at karangyaan? sa layo ng narating mo sa buhay? nasa isang tao ba to na kailangan mong matagpuan? Lahat naman tayo may kanya-kanyang kaligayahan, mababaw man o hindi, may mga bagay na nagpapaligaya sa atin. Mga taong nagbibigay ngiti. Kahit puno pa nang pagsubok ang buhay, may mga bagay o nilalalang na magpapagaan nito.

Para sa akin ang kaligayahan, ay dumedepende sa ating pananaw sa buhay. Tayo ang nagtatakda nang mga bagay na nagpapaligaya sa atin. Hindi mahalaga kung gaano ito kalalim o kababaw, mas mahalaga na nagdudulot ito sa atin ng tunay na kaligayahan, pang matagalan man o panandalian. Yung kaligayahang hindi pakitang tao. Hindi itinatakda ng iba para sa atin. Kaligayahang nagmumula sa ating sariling kagustuhan.

Friday, April 18, 2008

LIES

Think about it, How many lies have you been told on a daily basis? How often have you been mislead by someone you trusted?
I'll bet you don't know.
We've all told a couple of lies one time or another, especially in today's society wherein everyone is so "me" oriented. Some people lie so that the people listening to the lies will feel better. Some lies were told to help, and some were to hurt. People even lie just for the thrill. How ever you tend to put, there is no such thing as a "good lie".
Sometimes we think that if we only tell a little “white lie” we really aren't hurting somebody. In fact, we are hurting ourselves, for in telling lies of any size we are developing a pattern in our lives of mixing black with white. Eventually we will see only grey and be unable to clearly discern the truth of what is right and wrong.
A stranger lying to me…I’d expect that, no big deal. But someone close to me or someone I trusted lying to me would truly disappoint me. If I can’t trust you, if I can’t believe what you say, how I can I be around you? I’m far too suspicious.
If you are lying because you want to convince yourself, then do it... just don't expect that you'll convince me too. I am not that naive. I may not know what the truth is, but I know that what you are telling me is not.
Remember, lies never travel alone. If you tell one, you have to continue lying to maintain the first lie. One small fib can grow into a lie of gargantuan proportions! You can not build your whole life from lies it could destroy you.
So keep your life simple - just tell the truth.
“Tell the truth and you don't have to remember anything.”



----
* This post is also posted in my literary blog, blackplume.

Tuesday, February 19, 2008

Pangako

Sa pang araw-araw na takbo ng buhay maraming pangako ang nabibitawan. Mga pangakong tila pangkaraniwan na lamang. Madalas binabanggit ang salitang pangako o "promise" nang hindi naman talaga pinag-iisipan kung gaano kahalaga ang kahulugan nito. Kamakailan lang, marami-rami na rin akong pangakong narinig, mula sa kaibigan, kakilala, katrabaho at kung kani-kanino pang bibig. Mga simpleng bagay na ikino-commit ng wala naman talagang pinanghahawakan kung hindi ang mga salita na mga taong nagbabanggit nito. Madaling mangako, sa panahon ngayon kahit sino kaya magngako pero hindi lahat kayang tumupad sa ipinangako. Minsan nawawalan na nga nang saysay ang salitang pangako. Tila pangkaraniwan na lang ang ganitong linya. Hindi na gaanong pinahahalagahan nang iba ang mga binibitawang salita. Laging may rason ang bawat isa sa atin kapag hindi natutupad ang pangakong binibitawan. Gaano nga ba kahalaga ang pangako? May saysay pa ba talaga ito? Bakit kinakailangan pang dumaan sa ganitong proseso? Maaari namang isakatuparan na lang ang isang bagay na hindi dumadaan dito. Nang sa ganon hindi na kailangang umasa sa pangako na iba.

Tulong!!!

Tumutulong ka ba? Paano? Sabi nila ang pagtulong daw dapat taos sa puso, walang hinihintay na kapalit. Pero paano kung ang tinutulungan mo ay patuloy na umaasa sa tulong na kaya mong ibigay? Nakakatulong ka nga ba? Mahirap tumulong nang walang humpay, dahil lahat nang tao, lahat ng bagay may hangganan. Masarap tumulong sa kapwa, pero higit na mas masarap kung makikita mo ang magandang pagbabago dahil sa tulong mo. Minsan kasi tumutulong tayo pero nagiging rason din iyon para maging sandalan tayo nang mga taong tinutulungan natin. Masakit mang isipin may mga taong aasa na lamang sa tulong na kaya nating ibigay. Hanggang mapagtanto natin na wala palang patutunguhan ang tulong na ibinibigay natin. Saka natin tatanungin ang sarili.. "Tama ba ang ginagawa ko?" "Nakakatulong nga ba ako?"
Mahirap tulungan ang taong ayaw tulungan ang sarili. Madalas ito yung mga taong kulang sa kumpyansa sa sarili. Takot sumugal sa buhay. May mga pagkakataong nagmamarunong, pero ang totoo hindi kayang ipakita ang sariling kahinaan. Hindi kayang tanggapin ang katotohanang mas ninais nilang iasa sa iba ang sariling buhay kaysa sa sariling kakayahan. Nakakalungkot dahil hindi nila matanggap ang sariling sitwasyon na kanilang pinili. Napakaraming pagkakataon ang dumadaan at lumalampas, napakaraming bagay ang nagpapahiwatig at nangungusap pero nagbubulag-bulagan ang iba. Kailan kaya nila matatanggap ang katotohan na ang buhay ay hindi dapat inaasa sa iba. Tayo ang dapat nagpapatakbo na sarili nating buhay upang mas higit itong makabuluhan. Mas masarap harapin ang pang araw-araw na buhay kung alam mong ikaw ay may hawak nito. Nasa sarili nating palad ang ikot nang ating mundo. Tayo ang magdedesisyon kung paano natin ito patatakbuhin.