Masaya ka ba? Nasubukan mo na bang itanong yan sa isang tao? Anong sagot ang nakuha mo? Malamang na ang ganitong tanong ay nababanggit lang natin sa mga taong malalapit at importante sa atin. Subukan mo kayang itanong ito sa hindi malapit sa iyo. Baka magulat ka sa isasagot nila. Malamang pandilatan ka ng mata at kwestuyin sa iyong tanong, o kya naman ma amaze ka dahil sa isang tanong ay baka bigla mong makilala at malaman ang buong pagkatao ng iyong kausap.
Mahirap sukatin ang kasiyahan ng isang tao. Maraming aspeto sa buhay ang kaakibat nito. Walang konkretong kaligayahan sa buhay, kahit pa sabihin pa nating umaayon ang lahat sa iyong kagustuhan. Ang kaligayahan daw kasi hindi basta-basta masusukat. May mga sandaling masasabi ng isang tao na siya na ang pinakamasayang nilalang sa mundo, ngunit may hangganan ang mga ganitong pagkakataon. Hindi sa lahat ng panahon maganda ang takbo ng kapalaran.
Nasaan ba talaga ang kaligayahan? Nasa dami ba ng pera na meroon ka? sa kasikatan at karangyaan? sa layo ng narating mo sa buhay? nasa isang tao ba to na kailangan mong matagpuan? Lahat naman tayo may kanya-kanyang kaligayahan, mababaw man o hindi, may mga bagay na nagpapaligaya sa atin. Mga taong nagbibigay ngiti. Kahit puno pa nang pagsubok ang buhay, may mga bagay o nilalalang na magpapagaan nito.
Para sa akin ang kaligayahan, ay dumedepende sa ating pananaw sa buhay. Tayo ang nagtatakda nang mga bagay na nagpapaligaya sa atin. Hindi mahalaga kung gaano ito kalalim o kababaw, mas mahalaga na nagdudulot ito sa atin ng tunay na kaligayahan, pang matagalan man o panandalian. Yung kaligayahang hindi pakitang tao. Hindi itinatakda ng iba para sa atin. Kaligayahang nagmumula sa ating sariling kagustuhan.
No comments:
Post a Comment