Kahapon nagsimba ako sa church sa area namin. Matagal-tgal na rin akong hindi nagsisimba don. For the fast weeks kasi dumadayo pa ko sa ibang simbahan para mag-simba. Nakakatamad kasi magsimba sa church sa area namin bukod sa madalas yung mga nagsisimba nagkwekwentuhan lang sa loob ng simbahan may mga issues pa yung mga namamalakad nito. Pero kahapon nga nagsimba muli ako doon kasama si Rica at si Mama na siyang lecturer sa misa. After the mass I just realized kung bakit ganon ang pamamalakad ng kura paroko ng aming simbahan. Kilala si father bilang unfriendly priest samin. Lahat daw binabatikos. Hindi marunong ngumiti at laging nanenermon. Naalala ko pa nung una kung narinig yon, sabi ko "syempre pari siya, karapatan niyang manermon". Pero ang lahat ay may dahilan. Marami pala talaga siyang nakakabangga sa camarin. Mga taong nais niyang ituwid sa mga maling gawain. Talagang hindi madali ang gusto niyang mangyari. Bukod kasi sa sistema na nang lugar, mahirap pangaralan ang mga taong makikitid ang pag-iisip. Nakakalungkot lang, dahil sa halip na suportahan nang kanyang mga kasamahan, ay binabatikos pa siya.
Nabanggit niya sa sermon kahapon ang kalagayan ng aming lugar, nasa ikalawa na pala sa pinakamataas na crime rate ang aming baranggay sa buong caloocan. Hindi ko akalain na ganoon na pala kalala ang aming area. Hindi man exactly sa aming kalye, pero sakop parin ng aming baranggay. Nakakaalarma. Ano kaya ang ginagawa nang mga kinauukulan hinggil dito? Parang palala ng palala. Habang nagkakagulo ang mga nanunungkulan sa posisyon, hindi nila napag-tutuunan ng pansin ang kalagayan ng kanilang nasasakupan.
No comments:
Post a Comment