I just receive a text message from Rica, nawalan daw ng cellphone and cash si Mama. Nangyari ang lahat habang nasa Robinsons siya. Ang kwento, may mga babaeng bumangga sa kanya, after a while nawawala na ang kanyang cellphone at pera sa loob ng bag. Sa bilis nang mga pangyayari hindi narin niya sigurado kung paano talaga nawala. Ang malas pa nito, dahil katatanggap lang niya nang kanyang sahod. Naalala ko tuloy, nadukutan narin siya before ng cellphone, ang malala don nangyari ang lahat sa loob ng simbahan. Habang nagsisimba siya at kumakanta ng Ama namin na nakataas ang dalawang kamay, unti-unti namang nilalaslas na malakas na loob na magnanakaw ang kanyang bag. Ganon katindi, kahit nasa loob pa ng tahanan ng diyos ay hindi natinag ang walang konsensyang masamang loob.
Delikado na talaga ngayon, lalo pa't simula na naman nang enrollment, marami na naman ang nangangailangan, Kaya't nagkalat na naman ang mga ito at nambibiktima ng mga taong walang kalaban-laban.
No comments:
Post a Comment