Friday, February 15, 2008

Pagpapaalam

Nakatanggap ako kanina nang text message from a friend asking "kung ikaw ang nasa posisyon ko, paano mo sasabihin sa magulang mo na nais mo ng bumukod at bumuo ng sariling pamilya?"

Bigla akong napag-isip.. At my age i think legal naman na para sa mga ganoong desisyon. Though I don't really see myself in that position in the near future. But kung ako darating sa ganong sitwasyon. I know it will not be easy. Mahirap sabihin sa magulang ko na iiwan ko na sila dahil mahalaga sakin ang pamilya ko, but still I know my parents will understand kaya hindi magiging sobrang mahirap ang pagpapaalam. For sure they will be happy and proud for me coz im taking new responsibility. For me parents should be happy with every new stages of their children's life. Every parents want to see how each of their child grows. And building our own family is part of growing.

Hindi ko nga lubos maiisip, bakit may mga magulang na hirap tanggapin yung mga desisyong katulad nito. Bakit kailangan isipin na ang pag-aasawa ng kanilang mga anak ay pag-iwas sa responsibilidad sa pamilya? Para sakin hindi makatarungan na ipasa nang mga magulang ang kanilang responsibilidad sa anak. Dahil ang respondibilidad ng anak ay sa magiging anak o pamilya nito. Maaari parin namang tumulong ang mga anak kahit may sarili na itong pamilya. Hindi nangangahulugan na ang pagbukod at pag-buo ng sariling pamilya ay pagtalikod sa responsibilidad sa pamilyang kinagisnan. Ang pamilya ay pamilya parin, kahit pa magkaroon nang sariling pamilya ang mga myembro nito. Mas lumalaki lamang ang bilang na mga nagmamahalan at nagtutulungan. Hindi ba mas dapat ipagpasalamat nang mga magulang ang mga ganitong sitwasyon, dahil maipapakita ng kanilang mga anak ang mga aral na kanilang ipinamuhay mula sa mga magulang.

No comments:

Post a Comment