Showing posts with label decisions. life. Show all posts
Showing posts with label decisions. life. Show all posts

Friday, April 11, 2008

Masarap Mabuhay

Hindi ko mapagtanto kung bakit may mga taong nag-nais/nag-nanais na wakasan ang kanilang buhay. May karapatan ba sila? Hindi ba dapat na itinuturing natin ang ating buhay sa isa sa pinakamahalagang bagay na meron tayo.

Ilang buwan lang ang nakakaraan may isa kaming kaklase noong highschool na nagpakamatay. Nung una, hindi ako makaaniwala sa balitang aking natanggap hanggang sa gabing binisita namin ang kanyang labi sa arlington. Maraming katanungan ang naglaro sa isip ko noong mga panahong iyon. Mga katanungan hindi rin nabigyan ng kasagutan. Hindi ko lubos maiisip na mangyayari ang ganoong bagay. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin yon. Kung ano man ang rason hindi na rin ibinahagi sa amin nang kanyang pamilya, na lubos naman naming iginagalang at nauunawaan. Matapos ang pangyayaring yon, inakala ko na magsisilbi itong pamulat sa aming lahat upang mas maging matatatag sa hamon ng buhay.

Ngunit kamakailan lang isa sa pinakamalapit na kaibigan ang nag-nais na wakasan ang kanyang buhay. Nang mga panahong iniisip niya ang ganong bagay, nakuha niya kong kausapin. At lahat ng hinaing sa mundo, ibinato niyang lahat sakin. Sa mga panahong iyon, hindi ko parin lubos na munawaan kung bakit nakukuha niyang isipin ang ganong bagay. Bakit may mga taong nakukuhang sisihin ang mundo at ang diyos nang hindi man lang sinusubukang lumaban?

Siguro nga, may mga pagkakataong malupit ang mundo. Pero hindi ito sapat para panghinaan tayo ng loob at sumuko. Masarap mabuhay, kahit sino atang nilalang sa bingit ng kamatayan nanaisin ang isa pang pagkakataon para mabuhay. Ako, marami pa akong plano, marami pa kong gusto marating, gusto ko pang patuloy naienjoy ang buhay ko. Hindi ko nanaisin kailanman na wakasan ang buhay ko, kahit pa siguro ako na ang pinakakawawang tao sa mundo. Lahat naman ng tao may problema, may kanya-kanyang pagsubok na pinagdadaanan. At naniniwala ako na hindi tayo bibigyan ng diyos ng problemang hindi natin kayang lagpasan. Hahayaan ko na ang diyos ang magpasya kung hanggang kailan lamang ako nararapat magtagal sa mundo. At habang nabubuhay pa ako, pahahalagahan ko kung anong meron ako.

Masarap mabuhay!!! Kailangan lang nating malaman kung paano ito pahalagahan.

Tuesday, February 5, 2008

Buhay Kasalan

Napag-uusapan na naman ang kasalan. Nagplaplano na rin kasing magpakasal ang best friend ko this year with her current boyfriend. Naalala ko pa nung sinabi sakin ng best friend ko na hindi pa siya magpapakasal. Kailangan daw stable muna sila bago lumagay sa tahimik. Pero eto na nga at napag-uusapan ang kasalan.
Marami na rin akong nasaksihang kasalan at buhay ng mga ikinasal. Mga kaibigan, kamag-anak at kapamilya. Lahat sila may kanya-kanyang kwento. Ibat-ibang pakikipagsapalaran sa buhay. Ngunit ang bawat isa ay nagsasabing hindi madali ang buhay pag-aasawa. Hindi ko alam kung talagang mahirap ang buhay sa panahon ngayon o sadya lang hindi madali ang bumuo ng sariling pamilya. Pero ang alam ko hindi madali ang buhay kahit anong daan pa ang ating tahakin. Lahat may kanya-kanyang pagsubok. May kanya-kanyang kwento. Masaya man o malungkot ang bahagi nito isa lang ang sigurado, tayo ang gumagawa nang sarili nating kwento. Lahat naka depende sa mga desisyong ating bibitiwan. Tayo ang nagpapatakbo ng sarili nating buhay.

Saturday, November 18, 2006

I'm not superwoman

I'm not superwoman...
Do you ever come to the point saying that line to other people? I don't know why? but it seems that people saw me as a tough person. Someone who just don't know how to cry, be wounded and failed. But I'm not that kind. In fact I'm a cry baby ever since I was born. Iyakin talaga ko I swear. My tears even flow while watching movies and some stuff. People don't just see it. Someone said to me that I'm lucky because I don't experience problems, failures and hardships in life. But that's not true. We all have our own problems, that's part of life. If you don't have it you will not grow. I do have problems. I encounter lots of them, that's  why I'm growing spiritually, mentally and emotionally. I'm not a kind of person who share or talk about my problems with others. As much as I can I handle it my own. I try to solve it in my own way. (I guessed that's one thing I've learned from my parents, since they trust me to decide for my own.) One of my friend ask me, "bakit nakukuha mo pang tumulong sa problema ng iba kung may mga sarili ka ring problema?"...maybe because I realized that its more easy to solve the problem of other people than my own, it also helps me forgot my problems, and on the process of helping other, I realized how simple my problems are compare to those who suffer more than I do. Helping other also helps me.
When I was in college I encounter a problem. I thought I was hopeless, that I can't do anything about the situation. What I've done is to cry, cry and cry in my room. Blaming my self and feel more hopeless. Until my brother said to me, "anong ginagawa mo?, I didn't expect na ganyan ka kahina...maliit ng problem lang yan. Hindi masosolve yan ng pag-iyak!"...and then he left me with a text message.."if you wanna be somebody, if you wanna go somewhere you better wake up and pay attention"... Then I realized that I'm just making things worst. Crying did not solved my problem, it just consume my time for nothing instead of using that time thinking how to solve the problem. Crying is not bad but its not also the solution. So, I tried to change how to view problems.

It is really good to know that someone believe that I can survive life challenges.